144

Oct 2, 2018 @ 17:11
By ,

MPBL: Navotas kailangan ng clutch game kina Dennison, Porter, Salem

Mga Laro sa Miyerkoles:

(Strike Gymnasium)

7 p.m. — Paranaque vs Pasig

9 p.m. — Bacoor vs Navotas

Susubukan ng host team Bacoor Strikers na makasikwat ng panibagong panalo kontra Navotas Clutch sa main game ng MPBL Datu Cup sa Strike Gymnasium sa Bacoor, Cavite ngayong Miyerkoles, Oktubre 3.

Nanaig ang Strikers sa huli nitong asignatura kontra Pasig Pirates, at ngayon ay makakaharap nito ang Clutch sa alas-nuwebe ng gabi. Umaasa ang tropa na manalo para masolo ang third spot sa North Division.

Sa kabilang banda naman, puntirya ng Clutch na baguhin ang kanilang kapalaran sa pagkuha ng panalo na kakailanganin ang laro nina Ron Dennison, Kris Porter at Matt Salem na kamakailan lang ay naglaro sa Asia League.

Bitbit ng Navotas ngayon ang 4-5 win-loss record, na kailangang gawan ng paraan ni head coach Ritchie Tuazon para maalpasan ang Strikers na pangungunahan ni Gab Banal.

Gaya ng Bacoor, puntirya rin ng Parañaque Patriots na makapagtala ng back-to-back win kontra sa Pasig Pirates, na bitbit ang isang panalo sa siyam na laro.

Kakapitan ng Patriots ang kanilang double-double machine na si dating PBA player Harold Arboleda, maging sina Ryusei Koga, Ivan Valenzuela at Mac Montilla ay aasahan din na magiging malaking mag-ambag sa tropa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?