207
MPBL: Multi-titled PBA coach Uichico hahawak sa Bataan
By ,

MPBL: Multi-titled PBA coach Uichico hahawak sa Bataan

Balik sa coaching scene ang multi-titled mentor na si Jong Uichico gaya ng ilang dating PBA coaches na sina Bong Ramos at Chris Gavina sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL).

Papalitan ng nine-time PBA champion coach na si Uichico si Jojo Lastimosa sa paghawak sa isa mga contender ng liga na Bataan Risers.

“I think the MPBL is good for me. Sometimes you just have to get out of your comfort zone and take on a new challenge. The level of competition in the MPBL is different, but I know I’m going to learn from this league,” wika ni Uichico.

Naging assistant coach din si Uichico ni Chot Reyes sa Gilas Pilipinas at siya rin ang head ng Samahang Basketbol ng Pilipinas Coaches Commission.

Gaya ni Uichico, handa na rin sina Ramos at Gavina sa mga bagong challenges sa kanilang coaching careers. Hahawakan ni Ramos ang Pampanga Lanterns habang mangunguna naman para sa Bacoor Strikers si Gavina.

“Ganun pa rin naman ‘yan, limahan pa rin. ‘Yung concept naman hindi binago, kailangan mong i-shoot ‘yung bola and dumepensa. In the end, it’s still basketball, the game that we all love,” wika ni Ramos.

Tatlong tropa sa PBA ang hinawakan ni Ramos noon – Air 21 Express, Barako Bull Energy at Blackwater Elite – pero noong nakaraang season ay nasa sideline na ito ng Pampanga.

Magiging kapana-panabik naman ang pagco-coach ni Gavina sa Bacoor – na isa sa mag star-studded na tropa ngayon sa darating na season.

Bagong dagdag sa Strikers sina Michael Mabulac, Ian Melencio, Paolo Castro, Michael Canete, Matthew Aquino at pagbabalik ni Chris Sumalinog matapos ang stint nito sa Alab Pilipinas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?