2

By ,

MPBL: Mga laro ngayong Sabado kanselado

Sharing is caring!

Kinansela ng pamunuan ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) ang laro ngayong Sabado, Setyembre 15, dahil sa sama pa rin ng panahon dulot ng bagyong Ompong.

Sa pahayag na inilabas ng MPBL sa kanilang Facebook page, sinabi nitong kanselado na ang laro ngayong araw sa Strike Gym, Bacoor, sa utos ng commissioner ng MPBL.

“As per the MPBL Commissioner’s Office, the scheduled games today, September 15, are cancelled due to Typhoon Ompong,” pahayag ng MPBL.

Nakatakda sana ngayon araw ang laro sa pagitan ng Cebu City Sharks at Quezon City Capitals sa ganap na alas-7 ng gabi, habang alas-9 naman ang banatan ng Bacoor Strikers at Zamboanga Valientes. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?