166
TNT-ABANTE-TONITE-parks
Sep 25, 2018 @ 18:44
By

MPBL: Mga dating PBA player papuputukan ni Parks

Mga Laro sa Miyerkoles:

(San Andres Gym)

7 p.m. – Quezon City vs Pampanga

9 p.m. – Manila vs Mandaluyong

Ang mga powerhouse team na Manila Stars at Mandaluyong El Tigre ang maghaharap sa MPBL Datu Cup sa Miyerkoles, Setyembre 26, sa San Andres Gym sa Maynila.

Parehong puntirya ng dalawang tropa na makabangon at makabawi matapos ang kanilang pagkatalo sa kanilang huling laban at gaganapin ng alas-9 ng gabi.

Tangan ng Stars ang 7-2 na kartada matapos ang mapait nitong pagkatalo kontra Laguna, 74-68, noong nakaraan linggo habang bitbit ng Mandaluyong ang 6-2 na baraha kasunod ng pagkatalo nito kontra Basilan, 70-68.

Asahan na ang magandang laro na ipapakita ng dalawang tropa sa oras na magkaharap ang mga ito.

Inaasahan din na magiging kapana-panabik ang magiging laro ni Ray Parks Jr. kontra sa mga dating PBA player na sina Roger Yap at Riel Cervantes, at mga pambato ng Stars na sina Aris Dionisio at Chris Bitoon.

Maganda ang pinapakitang laro ni Parks, sa katanuyan, siya ngayon ang ikalawang best scorer ng liga na pumoposte ng 20.4 points per game at pasok din siya sa top 10 pagdating sa assists at steals.

Sa unang laro, magbabangga ang Quenzon City Capitals at Pampanga Lanterns ganap na alas-7 ng gabi.

Huling naglaro ang Capitals noong Setyembre 8 sa Ynares Sports Arena sa Pasig na naalpasan ang Valenzuela Classic, at ngayon ay bitbit ang 2-4 na kartada.

Makakaharap ng Capitals ang Lanterns na natalo ng tatlong magkakasunod, at magiging mahirap sa Pampanga ang laro dahil wala ngayon ang kanilang top scorer na si Michael Juico dahil sa injury nito sa tuhod.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?