86
MPBL: Mga bataan ni Cabiltes bumasag agad
Jun 13, 2019 @ 16:27
By ,

MPBL: Mga bataan ni Cabiltes bumasag agad

Buwena-manong panalo ang itinarak ng bagong-bihis na Basilan Steel sa Maharlika Pilipinas Basketball League Lakan Cup sa tono ng 94-83 panalo kontra Bicol Volcanoes Miyerkoles ng gabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Sa kabila ng panalo, hindi pa kuntento si Steel coach Jerson Cabiltes.

“A win is a win pero talagang kailangan ma-sustain namin ‘yung effort [from] first to fourth quarter. Kailangan magawa namin ‘yung game plan [at] talagang dapat sundin namin at tiwala lang sa isa’t isa,” sabi ni Cabiltes.

“Siguro we’re gonna get better from this [at] sa mga succeeding games namin.”

Ayon kay Cabiltes sunod nilang makakaharap ang Pampanga Dong Lanterns, pero hindi pa ito sigurado dahil wala pang opisyal na schedule na ilalabas ang liga.

“Actually what I’ve heard talaga sa [June] 25 pero I’m not sure kung ‘yun na ‘yung official. It is against Pampanga, that’s a very tough team,” wakas nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?