46

By

MPBL: Menor, Martinez nagsanib sa Bulacan

Umararo ang mga former pro na sina James Martinez at Ogie Menor para sa Bulacan Kuyas para maitakas ang 87-70 panalo kontra Laguna Krah Heroes sa Maharlika Pilipinas Basketball League Datu Cup Miyerkoles ng gabi sa Caloocan Sports Complex.

Pumoste ng 15 puntos si Martinez para sa tropa pero ang laro ni Menor ang nagpatunay na may angas pa rin ito pagdating sa hardcourt.

Tumapos ng 13 puntos si Menor, na may ilang taon din na nagtatrabaho sa Amerika matapos magretiro sa paglalaro.

“We know it’s only a matter of time,” sabi ni Bulacan coach Britt Reroma. “Right now, he’s (Menor) still trying to get into tip-top shape, but we know his experience and veteran presence would be a big help for our campaign.”

Isang crucial na panalo ito para sa Kuyas na ngayon ay umangat ang baraha sa 11-6 at patuloy na nagpatibay sa kapit nila sa ikalimang pwesto sa Northern Division ng liga.

Ito na ang ika-10 pagkatalo ng Laguna sa 18 asignatura at dulas ito sa ikawalong pwesto.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?