49

By

MPBL: Mandaluyong pinutol ang kamalasan, Buenafe naghari

Sharing is caring!

Tinuldukan na ng Mandaluyong El Tigre ang five-game losing streak nang pabagsakin nito ang Quezon City Capitals, 87-76, sa Datu Cup ng Maharlika Pilipinas Basketball League sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Hindi naman hinayaan ng El Tigre na tuluyan silang lumubog kahit wala na si Ray Parks, Jr. sa kanilang line-up.

Nagpasiklab ang bagong dagdag sa tropa na si Ronjay Buenafe na pumoste ng 15 puntos, pareho ng puntos na iniambag ni Janue Lozada para sa koponan.

Bukod sa kanila, tatlong manlalaro rin sa Mandaluyong ang tumapos ng double digits, may 13 puntos si Antonio Bonsubre, 12 puntos naman kay Gian Abrigo at 10 puntos naman ang ambag ni Jonathan Boholano.

Bitbit na ngayon ng El Tigre ang 7-6 na win-loss record sa Northern Division ng liga.

Lagapak naman Capitals tangan ang 3-8 na baraha sa parehong division.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?