37

By

MPBL: Maliit pero matinik si Pontejos

Isa man sa maliliit sa kanyang tropa, malaking baskets naman ang ginawa ng guard na si Paolo Pontejos.

Sa huling 27 segundo ng laro, naipasok ni Pontejos ang kanyang short jumper para tulungan ang Laguna Heroes na maitakas ang 63-61 na panalo kontra Marikina Shoemasters, Huwebes ng gabi sa Caloocan Sports Complex.

Pinatibay din ni Pontejos ang laro ng kanyang tropa hanggang dulo ng pareho nitong naipasok ang free throws sa huling 12 segundo habang si Marlon Adolfo naman ang nagselyo ng panalo sa tulong ng kanyang dalawang free throws.

Angat sa 9-11 ang win-loss records ng Laguna at tangan nito ngayon ang ikapitong pwesto sa southern division ng liga.

Bukod sa pagiging bayani sa kanyang tropa sa huling segundo ng laro, pinangunahan niya rin ang Laguna ng pumoste ito ng 13 puntos, pitong rebounds at tatlong assists at rumehistro naman si Michael Mabulac ng 12 puntos at 18 rebounds.

Agarang natuldukan ang three-game winning streak ng Marikina at ngayon ay nalasap nito ang ika-11 nitong talo sa 18 asignatura.

Naging solido rin ang opensa ng Shoemasters sa pangunguna ni Erwin Sta. Maria na tumapos ng 19 na puntos at ang aktor na si Gerald Anderson ay may 12 puntos, limang rebounds at apat na assists.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?