6

By

MPBL: Mainit si Losentes!

Sharing is caring!

Pinataob ng General Santos City Warriors ang Rizal Crusaders, 65-58, Miyerkoles ng gabi sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Datu Cup sa JCSGO Gym sa Quezon City.

Umangat sa 6-7 ang marka ng Warriors sapat para upuan ang ikawalong pwesto sa Southern division. Lalong nalubog ang Rizal (4-11).

Nanguna sa GenSan si Leomer Losentes na pumoste ng 26 puntos, apat na assists at tatlong rebounds.

“We stuck sa game plan ni Coach (Ramon Pido). Yun naman talaga ginagawa namin kaya kahit mabibigat mga kalaban namin, laban pa rin kami talaga,” wika ni Losentes.

Sa ikatlong canto, lamang ng 24 na puntos ang GenSan, 49-25, bago humabol ang Crusaders subalit kinapos sa dulo.

Sa pagtatapos ng 25-game eliminations, walong koponan lang kada grupo ang makakapasok sa playoffs at ang koponan na nasa parehong grupo ay maglalaro sa best-of-three series mula quarterfinals hanggang semis at tatanghaling kampeon ng bawat division ang maghaharap sa best-of-five finals series para hiranging MPBL National Champion.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?