114

Jul 31, 2019 @ 21:41
By

MPBL: Mag-Isa, Koga ratsa sa Muntinlupa

Bumanat ng magkakahiwalay na panalo ang Muntinlupa, Parañaque at Makati sa MPBL Lakan Season sa Muntinlupa Sports Complex Martes ng gabi.

Sumandal ang Cagers kina Edsel Mag-Isa at Ryusei Koga, na kapwa naglista ng double-double performance, para buhatin ang Muntinlupa sa 106-100 tagumpay kontra Quezon City Capitals.

Humapit si Mag-Isa ng 24 points at 11 rebounds, habang sumahog si Koga ng 22 markers at 14 feeds para sa Cagers.

Angat naman ang Paranaque sa Imus, 81-77, sa pabida nina Jemal Vizcarra at Keith Pido para sa ikatlong panalo ng Patriots sa walong salang habang bagsak ang Imus sa 2-4.

Samantala, matapos matikman ang unang talo sa kasalukuyang MPBL Lakan Season, bumalikwas ang Makati Super Crunch sa winning track, dinemolis ang Cebu City Sharks, 73-67.

Muntik bumigay sa endgame ang Super Crunch pero nakakuha ng timely baskets kina Jeckster Apinan at Joseph Sedurifa para isalba ang Makati, na angat sa 5-1 baraha at umakyat sa third spot ng Northern Division ng torneong binuo ni Senator Manny Pacquiao katuwang si PBA legend at former MVP Kenneth Duremdes bilang commissioner.

“We still have a lot of things to improve on and one of them is our killer’s instinct,” sabi ni Makati coach Cholo Villanueva. (Janiel Abby Toralba)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?