113

Apr 20, 2019 @ 15:39
By ,

MPBL: Mac-Mac, Knights tatapusin na ang Tigers

May bagong kampeon na ba ang Maharlika Pilipinas Basketball League o maipwersa pa ang all-or-nothing Game 5 sa national finals series?

Dadagitin na San Juan Knights ang kampeonato sa liga habang ipupuwersa naman ng Davao Occidental Tigers ang isang rubbermatch sa Game 4 ng finals, Lunes sa FilOil Flying V Centre.

Tangan ang kumpiyansa sa huling nitong panalo sa kanilang balwarte, sisikapin ng Knights na tapusin na ang serye at sungkitin ang kampeonato, na huli nilang nakuha noong 2000 sa defunct na Metropolitan Basketball Association (MBA).

Bagaman wala si coach Randy Alcantara noong Game 3, nagpatuloy pa rin ang pag-ariba ng Knights lalo na ang hindi inaasahang pagpapabibo ni Jhonard Clarito na may 12 markers at 18 rebounds.

Hindi man maganda ang pinakita ni Macmac Cardona, siguradong isa ito mga sasandalan ng tropa kasama si John Wilson, Mike Ayonayon at Larry Rodriguez.

Samantala, pursigido naman ang Tigers ni coach Don Dulay na maipwersa sa Game 5 ang serye at bumalik sa kanilang balwarte.

Naging maganda ang simula ng Game 4 para sa Davao pero agaran itong nawala at nanakaw ng San Juan ang momentum hanggang sa panalo.

Muling mambabarako para sa Tigers ang mga pamato nito na sina Mark Yee, Leo Najorda, Bonbon Custodio at Billy Robles.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?