80

By

MPBL: Lastimosa, Manila rumatsada

Nilublob ng Manila Stars ang Imus Bandera, 85-58, sa unang laro ng 3rd MPBL Lakan Cup 2019 sa Lamitan City New Gymnasium sa Basilan.

Kumana ng 14 points si Carlo Lastimosa para sa Stars sa likod ng 6-of-9 shooting kasama pa ang anim na rebounds at tatlong assists upang ibigay sa Manila ang ikaapat na sunod na panalo.

Bukod kay Lastimosa tumulong din sa Stars sina ex-pro Gabby Espinas at Mark Tallo na may tig-11 marka para panatilihin ang pagiging dominante sa Group A North Division hawak ang 17-3 kartada.

Hindi kinaya ng tig-10 puntos nina Gelo Vito at Francis John Munsayac para sagipin ang Imus na nalasap ang ikatlong dikit na talo para malubog sa 5-16 kartada sa Group B South Division.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?