172

Nov 7, 2018 @ 16:59
By

MPBL: Lao nagpasikat, Manila binuhat

Walang awat ang dominasyon ng Manila Stars sa Datu Cup ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL).

Natakasan ng Stars ang Paranaque Patriots, 98-88, Martes ng gabi sa Valenzuela Astrodome para sa fourth straight win at 11-2 win-loss record.

Pinagliwanag nina Chris Bitoon at dating UP player Kyles Lao ang opensa ng Stars, kumana ang una ng 22 puntos kabilang ang apat na tres, sumahog ang huli ng 14 puntos.

“It’s a big help for me considering the fact that I wasn’t given much opportunity in the UAAP since I got injured. But I’m happy to be given the chance here in Manila,” wika ni Lao.

Bukod sa dalawa, tatlong manlalaro rin ng Manila ang tumapos sa double figures. May 18 puntos si Marvin Hayes, 16 kay Drian Celada habang umambag si Riel Cervantes ng 12 puntos.

Nasa ikalawang pwesto naman sa Northern Division ang Manila sa ilalim ng rumaratsadang Bataan Risers na tangan ang 11-1 na baraha.

Tinala naman ng Patriots ang 7-7 na baraha sa Southern Division ng liga.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?