96

Jul 8, 2018 @ 16:12
By

MPBL: Laguna pinadapa ang Navotas

Depensa ang pinairal ng Laguna Heroes-Krah para patumbahin ang Navotas Clutch shooters at masungkit ang 74-61 sa Datu Cup ng Maharlika Pilipinas Basketball League sa Navotas Sports Complex, Biyernes ng gabi.

Sa huling quarter, nakapagtala ng 10-points ang Heroes mula sa rebounds at block steals sa Navotas.

“We took away their running game with good rebounding and covered their shooters,” sabi ni Laguna coach Alex Angeles.

29 percent sa 22 of 75 field goals lamang ang nagawa ng Navotas habang 18 percent mula three-point range ang nagawa sa 5 of 28 attempts.

Nagkapagtala si Raymond Ilagan ng 18 points at 9 rebounds at 15 points si Ralph Olivares para sa Laguna Heroes.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?