154

May 21, 2019 @ 16:16
By ,

MPBL: Kapalit ni Cezar patuloy na hinahanap

Tatlong linggo bago magbukas ang ikatlong season ng Maharlika Pilipinas Basketball League, patuloy pa rin ang paghahanap ng Manila Stars ng bagong coach.

Nagbitiw na si Philip Cezar bilang coach ng Manila Stars kasabay ng pagpapalit ng leadership ng Maynila.

Mismo ang management ng Manila ang nagkumpirma sa nasabing balita at ilang miyembro ng coaching staff ang umalis din sa tropa.

Ang PBA Hall of Famer na si Cezar ay ang head ng Manila Sports Council sa panahon ni outgoing Mayor Joseph Estrada.

Si Cezar din ang nanguna sa Stars na makatungtong sa championship round ng Northern Division finals sa katatapos lang na Datu Cup pero kinulang ito na lumusot sa National Finals ng liga.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?