16

By

MPBL: Imus nakaeskapo sa Laguna

Sharing is caring!

Naalpasan ng Imus Bandera ang Laguna Krah-Heroes para sa 67-65 win sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Datu Cup, Huwebes ng gabi sa Ynares Sports Arena.

Nanguna sa Bandera si Mykee Cabahug na may 13 puntos, apat na rebounds at ito rin ang nagpatabla sa laro sa 65 sa tulong ng lay-up nito sa huling 31 segundo ng laro at assist ni James Castro.

May pagkakataong muling masikwat ng Laguna ang kalamangan, pero hindi naipasok ni Raymond Ilagan ang kanyang jumper at sa rebound ay na-foul ni Michael Mabulac si Jomari Sollano at pareho nitong naipasok ang dalawang free throws.

Dalawang puntos lang ang lamang ng Imus, 67-65, at may pagkakataon muli ang Laguna na makuha ang panalo o maipwersa sa overtime ang kanilang laro pero sa huling segundo ay bigo si Paolo Pontejos na maipasok ang tres.

Sa panalong ito ay natuldukan ng Imus ang kanilang three-game losing streak at umangat ito sa 6-6 na win-loss records habang nasa 7-7 na baraha ang bitbit ng Laguna.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?