155

Aug 15, 2019 @ 18:54
By ,

MPBL: Iloilo ipinanalo ni Rodriguez

Habang hindi pinaporma ng powerhouse Manila at Iloilo ang mga karibal, tinagpas ng host team Pampanga ang late rally ng Mindoro sa triple header, Miyerkoles sa MPBL (Maharlika Pilipinas Basketball League) Lakan Season sa Angeles City.

Sinagasaan ng Manila Stars ang Binan City Heroes, 106-93, para sa sixth consecutive win sa torneo na pinasimulan ni Senator Manny Pacquiao at PBA legend Kenneth Duremdes.

Humugot ng magandang laro ang Iloilo sa apat nilang player sa pangunguna ni Eric Rodriguez, para tulungan ang United Royals bumalik sa winning track sa tono ng 83-73 panalo sa Bulacan Kuyas.

Anga at JJ Javelosa-owned franchise sa 5-4 win-loss record para umakyat sa Southern Division, table sa fifth at sixth spot sa pahingang Zamboanga-Family’s Brand Sardines.

Nalusaw ang 26-point lead ng Pampanga pero nakakapit sa dulo para itumba ang Mindoro, 85-78, sa main game.

Tumapos si Michael Juico ng 18 points at eight boards habang nakakuha rin ng ayuda kina Travis Thompson (14 points) at Mark Cruz (12 points/10 rebounds).

Mayroon namang 11 marka si Marlon Gomez para sa Giant Lanterns, na angat sa 6-3 panalo-talo kartada sapat sa fifth spot sa Northern Division.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?