9

By ,

MPBL: Hubalde pumoste ng triple ‘D’

Sharing is caring!

Pinadapa ng Valenzuela Classic ang Pasig Pirates, 95-88, tungo sa ikalimang panalo sa Maharlika Pilipinas Basketball League(MPBL) Martes ng gabi sa Cuneta Astrodome.

Nagsalansan ng triple-double sa Classic si ex-PBA player Paolo Hubalde: 10 puntos, 10 rebounds at 12 assists katuwang si Ford Ruaya na may 24 puntos, siyam na rebounds at dalawang assists.

Bukod sa dalawa, tumulong din sina dating pro-player Chad Alonzo at Jaymar Gimpayan na may 14 at 10 puntos.

Bitbit na ng Valenzuela ang 5-14 win-loss record sa Northern division para sa ikasiyam na puwesto sa team standings.

Patuloy naman ang paglubog ng Pasig sa parehong dibisyon tangan ang 2-11 kartada.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }