144

By

MPBL hindi karibal ng PBA – Duremdes

Sharing is caring!

Walang plano ang Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) na kalabanin, kumpetensiyahin o pabagsakin ang PBA.

Bagama’t masaya si MPBL Commissioner Kenneth Duremdes sa pagtangkilik ng publiko sa kanilang semi-pro league, wala naman umano silang intensiyong karibalin ang Asia’s pay for play league.

“The crowd from the start is amazing, hindi nagbabago,” wika ni Duremdes sa panayam ng Abante Online Huwebes ng gabi pagkatapos ng laban sa pagitan ng Bulacan Kuyas at Bacoor Strikers.

Kung labis ang pagtangkilik ang natatanggap ng MPBL sa publiko, tila kabaligtaran naman sa PBA.

Kapansin-pansin kasi na medyo bumababa ang mga nanonood nang live sa mga PBA game. Sa kabila nito, naniniwala si Duremdes na hindi babagsak ang PBA.

“PBA is still PBA. I still believe it’s the number one basketball league in the country professionally and we’re not competing them,” ani Duremdes.

Ang makikitid na pag-iisip lamang raw ng fans ang gumagawa ng mga isyu patungkol sa pagsasabong sa dalawang liga.

“It’s the fans and the people around ang nagsasabi na maybe we’re competing with PBA but were not. Dahil napaka-knowledgable ng basketball fans natin eh. Minsan through social media ay napag-uuspaan na i-compare,” dagdag ng 1998 PBA Most Valuable Player (MVP).

Ayon pa dito, balak ng MPBL na palawigin pa sa 16 per division ang liga. Sa kasalukuyan, may 26 teams ang Datu Cup at tig-13 sa North and South divisions.

“We’re expanding up to 16 teams (per division) next year as per senator Manny Pacquiao. Hanggang 16 teams na lang ang expansion namin so 32 (total teams),” dagdag nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?