225

Oct 16, 2018 @ 16:15
By ,

MPBL: Hernandez, Llagas kakaliskisan ng Pampanga

 

 

Mga Laro sa Miyerkoles:

(Angeles University Foundation)

7 p.m. – Navotas vs Parañaque

9 p.m. – Pampanga vs Makati

 

Susubukan na ng Pampanga at Navotas, dalawa sa mga pinakaabalang koponan sa katatapos lang na trading period, ang mga bagong hugot na player, Miyerkoles ng gabi sa pagpapatuloy ng bakbakan sa MPBL Datu Cup.

 

Sa sarili nilang balwarte, ipaparada ng Pampanga Lanterns ang mga bago nilang recruit at umaasa itong magiging maganda ang resulta ng kanilang laban kontra Makati Skyscrapers bandang alas-nuwebe ng gabi sa Angeles University Foundation.

 

Pangungunahan ngayon ni Aldrin Morante ang Lanterns, na dating tumimon sa Muntinlupa Cagers sa championship ng inaugural ng liga at nagbigay ng 7-0 sa Cagers ngayong season.

 

Makakatulong ni Morante si Bong dela Cruz na nakasama na niya sa Muntinlupa Cagers.

 

Nagbalasa rin ng roster ang Lanterns, at ngayon ay dagdag na sa kanilang line-up ang mga dating professional na sina Levi Hernandez at Pari Llagas.

 

Galing Navotas si Hernandez kapalit si Marlon Gomez habang si Llagas naman ay bahagi ng Cagers sa championship run noong nakaraang season at kapalit naman siya ni Daniel de Guzman.

 

Gaya ng Pampanga, naging abala rin ang Navotas sa pagpili at pakikipag-usap sa mga manlalaro.

 

Matapos mawala sa Clutch ang kanilang scorer na si Hernandez, dinampot naman nito ang dating professional player na si Jai Reyes kapalit si Monbert Arong.

 

Unang kinuha ng Caloocan si Reyes mula sa free agency pero agad na pinagpalit sa guard na si Arong sa kampo ng Navotas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?