112

Aug 30, 2019 @ 18:36
By

MPBL: Helterbrand, Imus pupugutan ang GenSan

Puputulin ng Imus Bandera sa pangunguna ni dating PBA Most Valuable Player Jayjay Helterbrand at James Martinez ang 7-game winning streak ng GenSan Warriors sa Maharlika Pilipinas Basketball League Lakan Season 2019 alas-6:30 Sabado ng gabi sa sa Mayor Vitaliano D. Agan Coliseum.

Kamakailan ay muling nakuha ng Imus Bandera ang kanilang panalo matapos matalo ng tatlong sunod noong nakaraang buwan.

Tiyak na pangungunahan ni Helterbrand ang opensa ng Imusa nang gumawa ng 11 puntos, 7 rebounds at 8 assists sa nakaraang laban nila kontra Nueva Ecija MiGuard.

Sasalagin naman ito ni Robby Celiz nang pangunahan ang koponan matapos talunin ang ang undefeated team at former champion na San Juan Knights matapos gumawa ng 27 points at 8 rebounds upang putulin ang winning streak sa liga.

Salpukan rin ang Zamboanga Family’s Brand Sardines kontra Bicol Volcanoes sa ikalawang laro alas-8:30 ng gabi.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?