143

Nov 29, 2018 @ 16:21
By ,

MPBL: Gerald Anderson bumuhos ng 20 puntos, ‘di sapat vs Parañaque

Ipinoste ng celebrity baller na si Gerald Anderson ang kanyang pinakamagandang performance sa Maharlika Pilipinas Basketball League Datu Cup.

Tumapos ang aktor ng 20 puntos at apat na steals para sa Marikina Shoemasters pero hindi ito sapat para matuldukan ang seven-game slump ng kanyang koponan.

Nasungkit ng Paranaque Patriots ang panalo, 71-68, kontra Marikina sa harap ng punong Muntinlupa Sports Complex, Miyerkoles ng gabi.

Nanguna para sa Parañaque si Mac Montilla nang rumehistro ito ng 19 na puntos, kabilang ang siyam sa fourth canto, habang tumulong si Harold Arboleda ng 13 puntos at 11 boards.

Sa panalo, angat sa 8-7 ang Parañaque habang patuloy ang paglubog ng Marikina (4-10).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?