93

Jul 17, 2018 @ 21:12
By

MPBL games ngayong Martes, kanselado

Hindi na tinuloy ng pamunuan ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) ang kanilang double-header game ngayong Martes sa Muntinlupa Sports Complex dahil sa masamang panahon.

Ayon sa opisina ng commissioner ng MPBL, kanselado ang laro para na rin sa kaligtasan ng manlalaro at mga manonood.

Nakatakda sanang magharap ngayong Martes ang Imus Bandera at Quezon City bandang alas-siyete ng gabi at alas-nuwebe naman ang bakbakang Pasig Pirates at Muntinlupa Cagers.

Wala pang anunsyo kung kailan ang bagong schedule ng mga nasabing laro.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?