428

By

MPBL: Gaco kinuha ng Pasig, Reyes pinamigay sa Navotas

Sharing is caring!

Maraming nangyari sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Datu Cup bago pa man magsimula ang trading period at dispersal draft para sa mga free agent.

Nitong Lunes lang ay inaprubahan ng MPBL Commissioner’s Office ang paglipat ng ilang manlalaro sa parehong dispersal draft at separate trades sa pangunguna ng mga dating professional player na si Jai Reyes at Jerwin Gaco.

Si Gaco na dating naglaro sa Purefoods ng PBA at unang binitiwan ng kanyang team na Imus Bandera ay kinuha ng Pasig Pirates. Sunod na pumili ang Cebu Sharks at nasikwat nito si Edrian Lao mula sa Davao Occidental Tigers.

Samantala napunta naman sa Caloocan Supremos si Reyes pero bigla rin siyang binato sa Navotas Clutch kapalit si Monbert Arong.

Hindi kumuha ng bagong player ang Rizal dahil na rin sa kakulangan ng budget.

“Due to budget constraints, we would like to look first who among our players from the dispersal draft who will be picked. Para alam rin namin ‘yung idadagdag namin,” wika ni Rizal coach Braulio Lim.

Ilang araw pa bago magsimula ang trading period ay nagsimula nang makipag-usap ang ilang koponan at ang Pampanga Lanterns ang pinakaaktibo sa lahat.

Sinikwat ng Lanterns si Aldrin Morante, na dating pinangunahan ang Muntinlupa Cagers bilang coach ng koponan kasama nito sa paghawak sa tropa si Bong dela Cruz na kasama niya rin sa Muntinlupa.

Kinuha rin ng Lanterns sina Levi Hernandez at Pari Llagas mula sa magkahiwalay na deal sa Navotas at Muntinlupa kapalit nina Marlon Gomez at Daniel de Guzman.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?