27

By

MPBL: Gab Banal, Bacoor tinisod ang Bacolod sa OT

Highlight nitong Martes ang ikawalong dikit na panalo ng Bacoor matapos talunin ang Bacolod sa overtime, 107-100, sa pagpapatuloy ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Lakan Season sa Strike Gymnasium sa Bacoor City.

Pinuwersa ni Gab Banal ang Strikers nang magpakawala ng 29 points, sahog pa ng 11 rebounds at 7 assists, para ibigay sa Bacoor ang 8-2 marka sa South Division ng 31-team league na binuo ni Senador Manny Pacquiao katulong si former PBA MVP Kenneth Duremdes bilang commissioner.

Tumulong din sa Bacoor ni Coach Chris Gavina sina Mark Pangilinan na gumawa ng 18 points, Michael Mabulac na may 15 points at Michael Canete na may 12 points at 14 rebounds.

Hindi sapat ang 27 markers ni Pao Javelona at 23 ni Jopher Custudio upang kargahin ang Bacolod kontra Bacoor.

Samantala, umahon sa 20-point deficit ang Rizal Xentro Mall Golden Coolers para gulatin ang Batangas City Athletics, 78-76.

Angat sa 2-7 record ang Rizal sa North Division.

Panalo rin ang Quezon City Capitals kontra Imus Bandera 105-93 sa unang laban nitong Martes.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?