32
views
teytey
By

MPBL Finals: Teodoro asintado, Batangas City angat sa Game 1

Sharing is caring!

Nakauna ang Batangas City sa best-of-five finals series kontra Muntinlupa, 70-64, sa Game 1 Huwebes ng gabi sa MPBL-Anta Rajah Cup sa Batangas City Coliseum.

Sumandig ang Tanduay-backed Athletics kay Teytey Teodoro, na nagbigay ng crucial baskets para harangan ang late rally ng Angelis Restort-supported Cagers.

Kumalawit ang maliksing playmaker ng 20 points, 13 sa fourth period.

Nalusaw ang 10-puntos na bentahe ng Batangas City sa huling tatlong minuto dahil sa ratsada ng Cagers para sa huling buhol sa iskor, 64-all. Dito umangas si Teodoro at nagsalpak ng magkakasunod na basket.

Umiskor ang Athletics ng huling anim na puntos kabilang ang isang foul throw at isang jumper ni Teodoro, 25 segundo pa sa talaan.

“One thing we want to avoid is complacency and that’s what happened to us,” sabi ni Batangas City coach Mac Tan. “it’s a good thing we were able to hang on and win. But Game 1 doesn’t mean anything. It takes three wins to win the series.”

Tumulong ng 14 puntos si dating PBA player Val Acuña contributed 14 markers para ibigay ang 1-0 lead sa Batangas.
Ang format ng serye ay 2-2-1.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?