26

By ,

MPBL: Faundo kumayod, Bataan itinumba ang Makati

Sharing is caring!

Patuloy ang pag-angat ng Bataan Risers matapos nitong maalpasan ang Makati Skyscrapers sa overtime, 72-70, ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Datu Cup, Sabado ng gabi sa Lagao Gynasium, General Santos City.

Bitbit ngayon ng Risers ang 6-1 baraha sa North Division habang ligwak sa 4-3 karta ang Skyscrapers sa kaparehong dibisyon.

Nanguna para sa Bataan ang dating UST tower na si Jeepy Faundo na tumapos ng 14 puntos, pitong rebounds at isang block.

Katuwang din ni Faundo sa panalo sina Gary David at Byron Villarias na may 15 at 14 na puntos sa kanilang pangalan.

Samantala, natalo man ay lumaban pa rin ang Makati sa pangunguna ni John Rey Villanueva na kumubra ng 15 puntos at walong rebounds.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?