203

Feb 20, 2019 @ 17:01
By ,

MPBL: ex-PBA player ng Navotas, pinadapa ang Manila

Pinahiya ng Navotas Clutch ang Manila Stars sa sarili nitong balwarte, 96-92, sa MPBL Datu Cup, Martes ng gabi sa San Andres Gym sa Maynila.

Pinakita ng Clutch na kaya nilang ungusan ang isa pinakamalakas na tropa sa liga sa tulong ng agresibong paglalaro ni Jai Reyes.

Pinoste ni Reyes ang kanyang game-high 33 points kabilang ang 14 sa payoff period habang umayuda naman si Donald Gumaru ng 12 puntos.

Bumulusok sa huling minuto ng third canto sina Reyes at Gumaru at nagkuntsabahan sa tulong kanilang pamatay na combination kaya’t nagawa nilang mabura ang 12 puntos na kalamangan ng Stars.

“I think the turning point happened when I went small. I put in another small so we can run with them,” wika ni Navotas coach Gabby Severino.

Sa unang laro, inilampaso ng San Juan Knights ang Mandaluyong El Tigre, 76-60, para sa 19-5 win-loss record.

Unang canto pa lang ay umariba na ang Knights tangan ang 28-7 na advantage at umabot pa ang kalamangan nito sa 36 na puntos, 65-29.

Bumandera sa San Juan si John Wilson na may 16 na puntos habang bumakas naman si Larry Rodriguez ng 13 puntos habang 10 puntos ambag ni Mike Ayonayon.

Tuluyan nang laglag sa torneo ang Mandaluyong matapos nitong malasap ang ika-15 talo sa 23 na laro para mapako na ito sa 11th spot.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?