330

By ,

MPBL: Duncil kinuha ng Navotas Clutch

May bagong tahanan na si dating PBA champion at UAAP Finals MVP Jojo Duncil sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL).

Diretso ngayon sa Navotas Clutch ang dating pro na si Duncil matapos nitong mapasama sa free agency.

Aprubado na ang paglipat ni Duncil noong Disyembre 20 at kakailanganin pa ng 48 oras para maging eligible itong maglaro matapos maaprubahan.

Tatlong taon ding nawala sa basketball scene is Duncil bago ito bumalik nang kunin ng Quezon City Capitals ang serbisyo nito at pakawalan din sa kalagitnaan ng elimination at dito naman siya tinapik ng Mandaluyong El Tigre.

Isang beses lang nakapaglaro sa El Tigre si Duncil bago muli siyang isuka ng tropa at ilagay sa free-agency market.

Sa pagpasok ni Duncil sa lineup ng Navotas Clutch, inaasahan na pangungunahan nito ang tropa para sa kampanya nito sa liga at makasikwat ng pwesto sa top eight para makapasok sa playoffso. 

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?