62
MPBL: Buenafe paandar sa Heroes
Sep 3, 2019 @ 18:36
By

MPBL: Dumapig, Basilan kinulong ang Muntinlupa

Mga laro Miyerkoles/Setyembre 4:

(Bataan People’s Center)

4:00pm — Zamboanga vs Quezon City

6:30pm — Mindoro vs Iloilo

8:30pm — Bataan vs Bacoor

Nagtala ng double-double performance si Chris Dumapig para imanibela ang Basilan Steel sa 90-79 panalo kontra Muntinlupa Cagers sa ikalawang laro ng 3rd Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Lakan Season 2019, Lunes ng gabi sa FilOil Flying V Arena.

Nagpasiklab ng 17 puntos at 12 boards si Dumapig upang ibigay sa Jumbo Plastic-backed squad ang ikawalong panalo sa 10 asignatura umangat sa 5th spot ng Group B South Division.

Nalasap naman ng Cagers sa ikalimang sunod na talo para sa 3-10 win-loss record.

Panalo rin ang defending champions San Juan Knights, na binida ni ex-pro John Wilson, 87-73, bilang pambawi kontra GenSan na tinalo sila noong nakarang buwan.

May 25 points si Wilson na sinahugan pa ng 8 rebounds at 5 assists, katuwang si Andoy Estrella na umambag ng 18 markers at 8 rebounds upang masolo ang top spot hawak ang 11-1 kartada sa Group A North Divison.

Bagsak naman ang Marikina sa 1-11 card na maglubog sa kanila sa pinakababa ng parehong dibisyon.

Samantala, naisahan ng Bulacan ang title favorite Makati, 76-74, sa unang laro.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?