165

Aug 15, 2018 @ 16:35
By

MPBL: Davao Occidental Tigers nilapa ang Cebu City Sharks

Sa wakas ay natuldukan na rin ng Davao Occidental Tigers ang kanilang three-game losing streaks nang padapain nito ang Cebu City Sharks, 71-64, sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Anta Datu Cup, Martes ng gabi sa Strike Gym, Bacoor City, Cavite.

Ang PBA veteran na si Bonbon Custodio ang naging pangunahing sandalan ng Tigers matapos nitong kumubra ng 13 puntos, limang rebounds at apat na assists.

Walang nagawa ang pambato ng mga Cebuano na si Jan Patrick Cabahug kahit nagawa niyang makasikwat ng tres sa mga huling minuto ng laro.

Bukod kay Custodio, naging malaking tulong din sa Tigers si Billy Robles na kumana ng 14 na puntos, walong rebounds at tatlong assists.

Laking panghihinayang ng Sharks dahil hindi nila nagawang dahil ang momentum sa kanila matapos nitong manalo sa huli nitong laban kontra Batangas Athletics.

Bitbit ngayon ng Davao Occidental ang 3-3 sa kanilang baraha at nalugmok naman sa 1-5 na team standing ang Cebu City sa South Division ng naturang liga. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?