117

May 23, 2019 @ 18:04
By ,

MPBL: Collado, Gabo patitigasin ang Steel

Dalawang bagong recruit ang siguradong madaragdag sa lakas ng Basilan Steel sa kampanya nito sa bagong season ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL).

Ober da bakod mula Quezon City Capitals sina Jay Collado at Hessed Gabo patungo sa bagong Basilan na pangungunahan ni coach Jerson Cabiltes.

Noong nakaraang season, pumoste ang 6-foot-4 na si Collado ng 14 points per game at 8.0 rebounds per game habang si Gabo naman ang isa mga magagaling na playmaker sa liga na may 7.0 assists at 11.26 points per game.

“Lahat naman ng players ang gusto mag-champion,” sabi ni Collado sa team presentation sa Vagabonds Restaurant sa Scout Torillo, Quezon City. “Nung nalaman ko na nagbubuo sila ng championship-caliber team, hindi ako nagdalawang isip kasi nakita ko desedido talaga sila.”

Para naman kay Gabo, hindi na siya nagdalawang isip ng ialok sa kanya sa trabaho dahil hindi na bago sa kanya si Cabiltes na naging mentor niya noon sa PBA D-League.

Kwento naman ni dating professional player na si Jonathan Uyloan, nakikita niya ang determinasyon ng tropa, lalo na sa practices nila, na seryoso itong makuha ang kampeonato ngayong season.

Bukod kay Gabo at Collado, halos bago rin ang nasa roster ng Basilan ngayon, na makakasama nina Chris Dumapig, Jhapa Bautista at Dennis Daa, gaya nina Anthony Bringas, Gab Dagangon, Jett Vidal, Shaq Alanes, Bobby Balacunag, Michael Sorela, Allyn Bulanadi, Irven Palencia, Jhunjie Hallare at Darwin Lunor.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?