120

Dec 11, 2018 @ 16:53
By ,

MPBL: Cervantes iginapos ng GenSan

Pinahirapan muna nang husto ng General Santos City Warriors ang Manila Stars bago nito tuluyang naitakas ang 63-57 panalo Lunes ng gabi sa Maharlika Pilipinas Basketball League Datu Cup sa People’s Center sa Balanga, Bataan.

Naging mahigpit ang depensa na pinakita ng Warriors kaya nagawa nitong malimitahan ang performance ni Riel Cervantes na pumoste lamang ng pitong puntos.

Sinandalan naman nang husto ng Manila si Chris Bitoon na bumulusok ng 22 puntos at limang steals habang bumakas naman ng 10 puntos si Jay Parker para sa tropa.

Mahigpit ang yakap ng Stars sa ikatlong pwesto ng Northern division ng liga bitbit ang 14-3 habang patuloy ang pagkapit sa ikawalong pwesto ng GenSan na hawak ang 7-9 na baraha.

Nanguna para sa Warriors si Chris Masaglang na pumoste ng 15 puntos at pitong rebounds.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?