192
MPBL: Cebu Sharks natisod sa ‘never say die’ ng Bulacan Kuyas
Jun 14, 2019 @ 22:41
By ,

MPBL: Cebu Sharks natisod sa ‘never say die’ ng Bulacan Kuyas

Naghimala ang Bulacan Kuyas at nagawa pang manakaw ang 75-71 na panalo kontra Cebu City Sharks sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Lakan Cup, Biyernes ng gabi sa Strike Gym sa Bacoor, Cavite.

Bitbit ng Sharks ang 71-64 na kalamangan sa pagpasok ng last two minutes sa regulation bago umariba ang Kuyas at irehistro ang 11-0 run sa pagpapabibo ni Jovit dela Cruz.

Nanguna para sa Kuyas si JR Alabanza na tumapos ng 11 points at limang rebounds habang may tig-10 puntos naman sina Dela Cruz, Roldan Sara at Jhan Nermal.

“Yung pinagdiinan namin nung last 40 seconds siguro ‘yung composure lang, ‘yung never say die na kahit lamang sila fight pa rin kami,” sabi ni Abalanza.

“Focus lang kami wala sa isip namin ‘yung crowd basta kami laban lang.”

Bumandera naman para sa bagong bihis na Sharks si William Mcaloney na may 14 points at pitong rebounds.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?