51

Jul 25, 2018 @ 14:18
By

MPBL: Cebu Sharks kinatay ng Manila Stars

Tuluyan nang napag-iwanan sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Datu Cup ang Cebu City Sharks nang mangulelat ulit sila, 107-76, kontra Manila Stars, Martes ng gabi sa Cuneta Astrodome.

Markado na sa serye ang apat na sunod na pagkatalo ng Cebu at naging unang team sa MPBL na nanatiling scoreless sa 12 minutong aksiyon.

Hindi napigilan ang Stars sa pagtikada ng puntos at in-enjoy na lang ang kanilang 38 puntos na kalamangan.

Nananatiling bokya sa panalo ang Cebu sa apat na laro habang umakyat sa 3-1 win-loss ang record ng Manila. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?