148
abante-tnt-vismin-mpbl
Aug 3, 2018 @ 16:09
By

MPBL: Cebu Sharks binawian ang Batangas Athletics

Tila isang bangungot para sa Cebu City Sharks ang huli nitong laban sa Manila Stars dahil sa buong first quarter ay hindi ito nakaiskor hanggang sa tuluyan nang nilampaso, 107-76, para lasapin ang ikaapat nilang sunod na talo.

Pero ngayon ay bumangon at bumawi ang Sharks matapos patumbahin ang Batangas City Athletics, 72-66, sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Datu Cup, Huwebes ng gabi sa Batangas City Coliseum.

Nanguna sa Sharks si Rhaffy Octobre na tumapos ng double-double, 25 puntos at 10 rebounds, habang ang dating pro na si Cesar Catli ay nag-ambas ng 12 puntos na nagpatahimik sa Athletics pati sa kanilang tagahanga.

Ang Sharks ang unang tropa na nagpadapa sa Athletics sa sarili nitong bahay at ito rin ang una nilang panalo sa limang laro.

Ikalawa namang talo ito ng Batangas, na may 2-3 record na.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?