78

By

MPBL: Castro lagare ng 20 sa panalo ng Bandera

Lumagare si James Castro ng 20 puntos, limang rebounds at apat na assists para pangunahan ang Imus Bandera sa 79-78 come-from-behind win kontra Navotas Clutch sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Datu Cup Miyerkoles ng gabi sa The Arena sa San Juan.

Buhay pa rin ang pag-asa ng Bandera sa playoffs hawak ang 7-7 marka habang bagsak sa 5-9 ang Clutch.

“Siyempre I’m very proud sa mga bata kasi pagkatapos ng second half, halos mahulog na ‘yung mundo dahil ganun ang laro nila. Sinabihan ko na guys continue play defense tiyagain lang natin, dahan-dahan, box-out lang tayo palag’,” wika ni coach Noynoy Falcasantos.

Umayuda sa Imus si Ian Melencio ng 15 puntos.

Angat ng 23 ang Clutch 50-27 sa first half, naghigpit ng depensa ang Bandera para lumapit 76-70 sa huling 2:40 ng laro.

Sunod na makakaharap ng Imus ang No. 2 sa Southern Division na Muntinlupa Cagers.

“Mahaba ‘yung bakasyon namin, maghahanap ako ng ka-tune up namin kasi ‘yung susunod na game namin, malakas din ‘yun hindi pabiro-biro,” dagdag ng coach.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?