133

Mar 22, 2019 @ 16:32
By ,

MPBL: Castro, Imus humirit ng do-or-die

Hindi pa tapos ang laban ng Imus Bandera matapos nitong maipwersa ang rubber match kontra Batangas Athletics 75-69 sa MPBL Datu Cup quarterfinals Huwebes ng gabi sa Muntinlupa Sports Complex.

Kinapitan ng Bandera ang maganda nilang depensa at steady free throw shooting na wala sa kanila noong Game 1 ng quarters.

“We were shooting our free throws better this time compared to our last game. But it still starts with our defense. Our game plan was really to make things difficult for (Jeff) Viernes,” wika ni Bandera coach Noy Falcasantos.

Bumandera para Imus si James Castro na pumoste ng 21 puntos, kung saan 12 rito ay galing sa fourth period, anim na rebounds at bumakas naman si Jonathan Rivera 10 puntos.

Pumabor sa Bandera ang mahigpit nitong depensa kaya’t nagawa nilang malimitahan si Viernes sa second at third canto bago muling pumutok fourth.

Nahirapan din sa freethrow line ang Athletics nang itala nito ang 14-of-28 freethrows o 50 percent lamang sa buong 40 minutes ng aksyon.

Ang Game 3 ng serye sa pagitan ng Imus at Batangas ay gaganapin ngayong Lunes sa Batangas City Coliseum.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?