47

By

MPBL: Bulacan itinakbo ang panalo vs Bacoor

Sharing is caring!

Pinaasa ng Bulacan Kuyas ang Bacoor Strikers nang hablutin nito ang makapigil-hiningang 77-76 win sa homecourt mismo ng huli sa Cavite sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL), Miyerkoles ng gabi.

Rumehistro para sa Kuyas si Jay-R Taganas ng 14 puntos, 11 rebounds at 2 assists na tinapatan ni Mikee Reyes ng Bacoor ng 18 puntos.

Matinding depensa at opensa ang ipinairal ng Strikers sa kanilang homecourt pero hindi naging sapat para patumbahin ang Bulacan.

May 2-1 win-loss record na ang Bulacan habang nadagdagan ang talo ng Bacoor sa 1-2 marka. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?