83
MPBL: Buenafe paandar sa Heroes
Feb 19, 2019 @ 15:57
By ,

MPBL: Buenafe paandar sa Heroes

Matapos itapon sa free agency ng Laguna Heroes, nakahanap ng bagong tahanan sa Zamboanga Rapidos ang dating pro-player na si Ryan Buenafe.

Pinangunahan ni Buenafe ang Zamboanga sa pagsikwat nito ng kanilang ika-10 panalo sa 22 asignatura nang padapain nila ang Cebu City Sharks 61-58 Lunes ng gabi sa Marist School Gym sa Marikina.

Pumoste ng 13 puntos si Buenafe kasama na rito ang dalawang free throws nito na nag-paangat sa tropa sa huling segundo ng laro habang umayuda rin sa tropa si Reed Juntilla ng 11 puntos.

May pagkakataon sana ang Sharks na maipwersa sa overtime ang laro pero bigong maipasok ni Patrick Cabahug ang kanyang buzzer beater three.

Patuloy ang matatag na pagkapit ng Zamboanga sa ikaanim na pwesto sa Southern division ng liga.

Sa sumunod na laro, pinatunayan ng Bataan na sila ang nangunguna sa Northern division matapos nitong lampasuhin ang Marikina Shoemasters.

Bumandera para sa Risers si Yvan Ludovice na pumoste ng 13 puntos, limang rebounds at limang assists habang may 12 puntos na ambag si Gary David.

Sa panalong ito mas lalo pang tumibay ang pagkapit ng Risers sa top spot ng Northern divison hawak ang 21-2 na kartada.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?