20

By ,

MPBL: Bitoon, Cervantes nagsabwatan

Sharing is caring!

Umahon sa 16-point pagkakalubog ang Manila Stars para isahan ang Quezon City Capitals, 76-71, tungo sa ika-12 panalo sa 14 na salang sa umiinit pang mga laro sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Datu Cup Miyerkoles ng gabi sa JCSGO gym sa Quezon City.

Solo sa second spot ng Northern Division ang Stars habang lalong nalubog ang ka-dbisyong Capitals (3-8).

Rumehistro ng 26 puntos, 11 rebounds at pitong assists si Chris Bitoon para sa Manila sa pag-alalay ni Riel Cervantes na pumoste ng career-high 25 points.

“Naglalaro lang talaga ako. Hndi ko na iniisip yung klase ng depensa na ibinibigay sa akin. Malaki kasi ang tiwala sa akin ng coaching staff kaya sinusuklian ko lang,” wika ng 5-foot-9 guard na si Bitoon.

Sa panig ng Capitals, kinakailangan nitong maipanalo ang mga susunod na laban para maselyuhan nito ang ikawalong pwesto upang makapasok sa playoffs.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?