77

Jan 30, 2020 @ 20:32
By

MPBL: Benitez binulaga ang Bicol

Wala nang playoff spot? Sige enjoyin nalang natin!

Ito ang naging mindset ng Rizal Xentro Mall Golden Coolers nang sa likod ng 17 points ni Mark Benitez tinakluban ang Bicol Volcanoes, 79-77, sa 3rd Chooks-to-Go MPBL Lakan Cup 2019-2020 eliminations Huwebes ng hapon sa Bulacan Capitol Gymnasium sa Malolos.

Ani Benitez na hinirang na best-player-of-the-game, naging epektibo ang paglalaro nila dahil walang pressure at ini-enjoyment lang dahil tanggap na nilang hindi na sila makakapasok sa playoffs ng liga.

“Ie-enjoy na lang din namin yung natitirang games namin sana ganito rin ang resulta,” ani Benitez na may 10 rebounds at 3 assits para iakyat sa 5-22 ang win-loss record ng Rizal kahit baon pa rin sa 15th spot sa Group A.

Bukod kay Benitez, may tatlo pa sa Rizal ang nagpasiklab gaya nina home grown talent Jaydee Vidal na ,ay 14 points at 5 rebounds, si Kelvin Gregorio na may 13 markers at 6 boards, at si Buen Raflores na may 11 pts. at 8 caroms.

Nasayang naman ang game-high 19 pts. ni Jerome Garcia para sa Bicol na bumama sa 15-14 kahit hindi natinag sa ikawalong puwesto ng Group B.

Ang iskor:

Rizal 79 – Benitez 17, Vidal 14, Gregorio 13, Raflores 11, Casejeros 9, Hoyohoy 8, Lacastesantos 5, Martin 2, Saliente 0, Rosales 0, Butel 0, Bautista 0.

Bicol 77 – Garcia 19, Buenafe 13, Lalata 12, Lao 6, Alfonso 5, Alday 4, Mondragon 4, Gusi 4, Salinas 4, Ongteco 2, Manalang 2, Aldave 2, Villar 0, Guerrero 0, Olea 0.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?