215

Jul 26, 2018 @ 16:31
By

MPBL: Basilan pinasabog ang 2nd ‘W’ vs Pampanga

Pinatunayan ng Basilan Steel na may ikakasa ang dating war-torn province sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL).

Binulabog ng Basilan ang crowd sa Bulacan Capitol Gymnasium nang masungkit nila ang second straight win, 88-78, laban sa Pampanga Lanterns, Miyerkules ng gabi.

Pumoste ng double-double performance si Dennis Daa na may 17 points at nine rebounds.

Nag-ambag naman sina Mark Ababon, Ferdinand Lusdoc, at Tata Bautista ng double figures para maitarak ang 2-2 win-loss record nila sa Datu Cup.

Plano namang patunayan ni coach Joseph Romarata ang kakayahan ng Basilan hanggang semis.

“Nakaka-adjust na kami, although not fully, but going there. Hindi na kami puwede na gaya sa ligang labas na pabara-bara. The system still works. We really belong here. Main goal is to make it to the semis or playoffs or even higher,” sabi ng coach. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?