287
MPBL: Baracael petmalu pa rin
Jul 3, 2019 @ 16:21
By ,

MPBL: Baracael petmalu pa rin

Balik sa win-column ang Mindoro at Caloocan sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Lakan Cup maging ang Bulacan ay nakasikwat ng panalo Martes ng gabi sa Bulacan Capitol Gymnasium.

Inalpasan ng Tamaraws ang Parañaque Patriots 63-61 sa pangunguna ng solidong laro mula kay Mac Baracael.

Ang former PBA player ay pumoste ng double-double finish ng 12 points at 10 rebounds katuwang din nito si Sandy Cenal, may 16 markers sa likod ng 7-of-10 shooting.

Gaya ng Mindoro, napatigil din ang Caloocan Supremos ang patuloy na paglagapak nito.

Natuldukan ng Supremos ang three-game losing streak nang padapain ang Zamboanga-Family’s Brand Sardines 83-74 sa pag-ariba ni Almond Vosotros na rumehistro ng 31 points.

Tinalo naman ng Bulacan Kuyas ang Basilan Steel sa main game ng triple header 65-55.

“We really want to keep the score low,” sabi ni coach Britt Reroma. “We know that Basilan is a high-scoring team, so we decided to engage them to a defensive struggle.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?