189

Sep 24, 2018 @ 16:58
By

MPBL: Banal balik sa Bacoor, sasagasaan ang Pasig

Mga Laro sa Martes

(Strike Gymnasium)

7 p.m. – Navotas vs San Juan

9 p.m. – Bacoor vs Pasig

Balik sa Strike Gymnasium sa Bacoor, Cavite ang MPBL Datu Cup ngayong Martes, Setyembre 25, para sa isang double-header match.

Uumpisahan ang gabi sa laban ng San Juan Knights kontra Navotas Clutch bandang alas-7 ng gabi, habang sa alas-9 ng gabi ang laro ng Bacoor Strikers kontra Pasig Pirates.

Umaasa ang Knights na masikwat nila ang kanilang ikawalong panalo kontra Clutch para makasosyo nila ang Bataan sa unang pwesto ng Northern Division.

Tatlong manlalaro ng Clutch ang magbabalik sa kanila, sina Ron Dennison, Matt Salem at Kris Porter, matapos maging bahagi ng IECO Green Warriors na sumabak sa Asia League Terrific 12 sa Macau kamakailan.

Susubukan namang padapain ng host team na Bacoor ang Pasig sa main game ng laro at muling magbabalik sa kanilang hanay si Gab Banal.

Halos dalawang linggo ring nawala si Banal dahil sa pagsabak nito sa ilang international na torneo gaya ng 3×3 competitions sa Shangai, China at sa Teriffic 12 sa Macau.

Isa sa mga pambato ng Strikers si Banal na pumoposte ng 18.5 points per game at bukod pa rito ay isa rin siyang magaling na playmaker na tumatala ng 6.7 assists per game.

Puntirya ngayon ng Strikers na maingat ang kanilang pwesto sa Southern division ng liga bitbit 4-4 win-loss record habang kulelat pa rin ang Pirates na may 1-7 na baraha sa kanilang pangalan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?