157

Jul 4, 2019 @ 18:23
By

MPBL: Banal, Bacoor umeskapo sa Pasig

Nagpaulan ng tres si reigning Most Valuable Player (MVP) Gab Banal para sa Bacoor City Strikers tungo sa 73-64 panalo kontra Pasig City Sta. Lucia Realtors sa MPBL Lakan Cup sa Caruncho Sports Complex Miyerkoles ng gabi.

Nagtala ng 17 points, anim na rebounds at apat na assists si Banal para sa Strikers katuwang pa si MPBL All-Star Ian Melencio na may 12 puntos.

Sa crunch time ng fourth quater ng laban, bumida para sa opensa ng Bacoor si Banal nang makahirit ito ng tres sa natitirang 1:46 at bigyang lamang ang koponan 68-62 at maiselyo ang laro.

Aangat sa record na 3-1 win-loss ang Bacoor at pupwesto sa pangatlo sa southern division team standings ng torneo.

Samantala, wagi rin sa parehas na araw ang Biñan City Laguna Heroes, 85-81 laban sa Cebu City Sharks sa isang overtime match.

Sumandal ang Binan City kay veteran guard Allan Mangahas na humataw ng 24 points, 13 rebounds at walong assists mula sa bench kasama pa si Kyle Neypes, na may 12 points para makasampa sa 2-2 mark ng standings.

Tagumpay rin na naungusan ng Bicol Volcanoes, 86-67 ang panig ng Marikina Shoemasters sa tulong ni ex-pro Ronjay Buenafe na may 20 points at Jerome Garcia na may 21 points sa laban.

Lumagare si Garcia ng apat na triples kontra Marikina para makuha ang kanilang ikalawang panalo sa apat na laban sa fastest growing regional amateur basketball league ni Senator Manny Pacquiao at PBA legend at former MVP Kenneth Duremdes bilang as commissioner.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?