168

Dec 15, 2018 @ 16:37
By

MPBL: Baltazar, Castro nagkapit, Imus nagpalakas sa playoffs

Pinalakas ng Imus Bandera ang kanilang tsansa sa playoffs nang pagpagin ang Pasig Pirates, 117-87, sa Maharlika Pilipinas Basketball League Datu Cup, Biyernes ng gabi sa Olivarez Gym sa Parañaque.

Anim na manlalaro ng Bandera ang tumapos ng double digits sa pangunguna ni Wilson Baltazar na may 18 puntos habang umayuda naman ng 17 puntos si James Castro.

Angat sa 8-8 win-loss record ang Imus kasosyo ang Bacoor Strikers sa ikaapat at ikalimang pwesto ng Southern Division.

Laglag naman sa 2-14 kartada ang inaalat pa ring Pasig.

Sa main game, pinahiya ng Basilan Steel ang Parañaque Patriots sa sarili nitong balwarte nang maitakas ng tropa mula Mindanao ang 89-84 na panalo at iangat sa 5-12 ang bitbit na baraha.

Isang bagong Parañaque ang nakita sa laro pero hindi naging sapat para mapaamo ang matitikas na tropa ni coach Jason Cabilles.

Nanguna sa Steel si Cris Dumapig na pumoste ng 19 na puntos at 11 rebounds habang bumakas naman ng 16 na puntos si dating professional player Dennis Daa.

Sa panalo, kasosyo na ng Basilan ang Rizal Crusaders at nangungulelat ang mga ito sa Southern Division habang ang Patriots naman ay tangan ang 8-9 na karta.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?