153

Nov 27, 2018 @ 17:37
By ,

MPBL: Balagtas nagliyab sa Crusaders

Bagamat nangungulelat pagdating sa team standings, hindi naman ito dahilan sa Rizal Crusaders para sumuko.

Ginulat ng Crusaders ang Cebu City Sharks 80-57 Lunes ng gabi sa Maharlika Pilipinas Basketball League Datu Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

“Una nag-start lang talaga kami sa depensa kung paano sila i-stop, ‘yung malimitahan lamang si (Patrick) Cabahug saka si (Cesar) Catli o kaya ‘yung mga shooters nila. Siguro ‘yun kami nagkaroon ng chance manalo,” wika ni Rizal coach Braulio Lim, Jr.

“Itaas lang naman namin ‘yung level nung game namin, lalong-lalo na si depensa. Kita niyo naman ‘yung dinepensa namin, I’m very proud sa ginawa nila.”

Tinambakan nang husto ng Rizal ang Cebu sa pagpasok ng third canto hanggang sa dulo sa tulong nagliliyab na kamay ni Marco Balagtas na pumoste ng 26 na puntos habang bumakas naman ng 15 puntos si Jerome Juanico.

“Hindi na ako nagulat, Marco deserve ‘yung best player kasi lagi niyang ginagawa yan. ‘Yung attitude nung bata napakaganda,” dagdag nito.

Sa panig naman ng Cebu, pitong puntos lamang naitala ng kanilang ace player na si Patrick Cabahug at ngayon dulas sa 6-10 na baraha.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?