167
MPBL: Buenafe paandar sa Heroes
By ,

MPBL: Bagong bihis na Basilan, pinalakol ang Bicol

Unang salang palang ng Maharlika Pilipinas Basketball League Lakan Cup, girian na agad.

Pasabog agad ang bagong bihis na Basilan Steel nang dominahin ang Bicol Volcanoes, 94-83, sa opening game Miyerkoles ng gabi sa Mall of Asia Arena.

Mabangis sa mga bata ni Steel coach Jerson Cabiltes si Jay Collado na pinoste ang kanyang unang double-double finish sa liga na 16 points at 10 rebounds.

Sumahog din ng double-double si Chris Dumapig na may 13 markers at 10 rebounds habang habang umayuda ng 15 points si Gab Dagangon at si Hessed Gabo naka-13 pts. din

“In the first half we’re controlling most part of the game up to the start of third quarter medyo nag-deep down ‘yung energy namin, nakaka-catch up sila,” wika ni Cabiltes.

“During the timeout ni-remind ko lang sila talaga ‘yung hunger factor namin to win this game kaya naka-recover kami at ‘yun sa fourth quarter nadala namin.”

Sumabog ang Volcanoes nang maibaba ang hinabol na 16 sa isa na lang, 61-60, 2:07 sa third sa likod ng lay-up ni Alwin Alday bago muling umangat ang ng Basilan sa fourth

Mainit para sa Volcanoes si Alday na may 23 points, 10 sa fourth, at 5 rebounds.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?