114

Aug 12, 2019 @ 18:46
By ,

MPBL: Bacoor sasalyahin ang Bacolod

Wala umanong sasayanging tsansa ang host team Bacoor kontra Bacolod upang higpitan ang kapit sa solo second spot sa Group B ng South Division sa pagpapatuloy ng eliminasyon sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Lakan Season sa kanilang 8:30 pm duel, Martes sa Strike Gymnasium.

Pito sa siyam na laban ang naipanalo ng Strikers para sa 7-2 win-loss record pinakahuli ang tagumpay kontra SOCCSKSARGEN.

Iniimbitahan ni Bacoor team owner at Cavite Representative Strike Revilla ang mga Bacooreños at tagasuporta ng Bacoor City Strikers, na isa sa mga crowd favorite sa MPBL, na manood at tunghayan ang laban kontra Bacolod Master Sardines sa STRIKE Gymnasium ng Bacoor City sa Molino na pinagsikapang maitayo ng mambabatas noong alkalde pa lang ito.

Sagupaan naman ang Quezon City at Imus para sa ikalawang laro bandang alas-6:30 ng gabi habang General Santos kontra Navotas sa pambungad na aksiyon ganap na alas-kuwatro ng hapon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?